Kapag bigla kang na-inspire

Minsan kasi nagmamaneho ka pauwi, super pagod eh nakaupo ka lang naman buong araw with some occassional standing ovation pag nagbibigay ng injection. Pero sobrang busy lang tlga- emotionally and mentally draining ang maging outpatient mental health nurse. Lahat ng attitude inabsorb mo na buong araw- and to think ang ginagawa mo lang eh makipag usap sa kanila at siguraduhing hindi sila mag laslas (or kung ano mang way nila gustong i-end ang kanilang life).

Pero sa totoo lang....dapat hindi nila-lang ang ganung trabaho. Hirap kaya nun. Tapos konsensya mo pa pag nategi sila. Isipin mo..."what did I not do?" Eh lahat naman tinanong mo, sinigurado ok sya. Pero thank God wala pa namang nagpakamatay na pasyente on my watch.

So going back to the topic of this post. Naranasan mo bang mag daydream habang nagmamaneho pauwi dahil sa traffic? Ako hindi masyado pero kagabi biglang may sumagi sa isip ko. 

Naalala ko ang kantang ito ng M2M:




Siyepre ni-youtube ko agad. Biglang nag-alaapap nang di oras ang lola mo.

The song took me back to circa 2000 nung mga panahong broke at hopelessly in love ang lola mo sa kupal nyang kaklase na kulot at sobrang angas. Palibhasa lasalista...ayun feelingero na. Tang-inang pag-ibig tlga. Mapapamura ka na lang tlga knowing na wala ka namang pag-asa. After all, maitim na, payat pa, pandak at pustiso ngipin. Dyosko sino ba naman magkakamali?


Pero that night in 2000 na narining ko ang kantang ito...umuulan kasi nun. Kakasakay lang namin ni Gem ng FX sa Espanya thank God after isang oras na pagwawagayway ng palda namin. Siyempre unahan, pero nakaupo kami sa gitna. Ako ung nasa may bintana ng driver side. Tapos bigla patugtog nga ni manong ung kanta...aba kinilig ako bigla. At that time wala naman kasing nakakaalam na may pagnanasa ako sa isa sa mga classmates namin. So tinanong ko si Gem ng pabulog "Anong kanta yan?", Sabay bulong ni Gem "Pretty boy". "Aaaaaaaa". Bigla tingin sa bintana para magsight seeing ng mga jeep na parang sardinas sa puno.

Haaaay naku, those were the tender days my friend. My college years was not extravagant and eventful like others'. Never akong gumimik. Actually nga ang pinakagimik ko ay Paskuhan sa Uste nung 2000. Takas pa un ha. Dumaan pa kami ni Gem sa SM North para lang magpalit ng uniform ulit hahahaha. Yet it introduced me to all kinds of emotions my young heart never thought could've handled. That was also the night I cried so fucking hard sa covered walk way ng Uste, nagtatago from the classmates, si Gem lang ang karamay kasi nga...ung kupal at ang gf nya ay official na at ipinaglaladlad talaga sa madla. I will never forget what she told me that night: "Mahirap, pero kaya".

So now every time I go through a struggle, like for example ang aking divorce na resulta daw ng panlalalaki ko, I just tell myself: mahirap pero kaya. 

Ikaw, did you ever get in a situation where you have to pause, take a deep breath and reassure yourself mahirap, pero kaya? 

Comments